NBA | Los Angeles Lakers hindi interesado kay Carmelo Anthony

86

Kahit maugong ang balita na nais itong makasama ng kanilang star player, hindi nagpapakita ng senyales ang Los Angeles Lakers na puwede nilang idagdag sa line-up si Carmelo Anthony.

Ayon sa mga report, nakipag-ugnayan na ang mga kinatawan ni Anthony sa Lakers pero hanggang ngayon ay walang tugon sina Magic Johnson, ang Lakers’ president at si Rob Pelinka na siya naman general manager ng koponan.

Nauna nang napabalita na nais umanong makasama ni LeBron James si Anthony dahil malaki ang maitutulong ng veteran presence nito sa mga batang miyembro ng purple and gold.

Hanggang sa ngayon ay wala pa ring koponan ang 10-time All Star na si Anthony matapos siyang bitawan ng Houston Rockets noong nakaraang buwan.

Facebook Comments