NBA | Los Angeles Lakers, nakapagtala ng pambihirang two-game winning run

Sports – Ibinagsak ng Los Angeles Lakers ang 19-0 run sa opening quarter bago sumandal sa clutch shooting sa three-point territory sa last period para maitakas ang 99-86 na panalo kontra Sacramento Kings sa NBA.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Lakers matapos wakasan ang nine-game losing streak ng koponan kamakailan.

Umiskor ng game high 22 points, si Julius Randle habang may 15 naman si Brook Lopez para sa Lakers habang may 19 puntos si Bogdan Bogdanovic para sa Sacramento.


Nanalo ang Portland Trail Blazers sa Oklahoma City Thunder, 117-106.

Facebook Comments