NBA | Los Angeles Lakers pinagsabihan sina Lonzo Ball at Kyle Kuzma na bawasan ang asaran sa social media

Pinagsabihan umano ng Los Angeles Lakers ang dalawa nitong sikat na player na bawasan ang asaran sa social media.

Sa report, kinausap ng management sina point guard Lonzo Ball at forward Kyle Kuzma na tigilan na ng mga ito ang palitan ng mga insulto sa twitter at iba pang mga social media platform.

Nangangamba kasi ang koponan na kahit biruan at asaran lamang ang ginagawa ng dalawa ay lumala pa ito at maging problema ng Lakers sa bandang huli.


Sa mga huling hirit kasi ng dalawa naging personal na ang asaran ng mga ito.

Naghahanda na ang Lakers para ligawan si Cleveland Cavaliers Superstar LeBron James at lumipat sa Los Angeles sa darating na season.

Kaya nais ng koponan na ito ang maging sentro ng kanilang atensiyon at hindi ang asaran nina Ball at Kuzma.

Facebook Comments