NBA | Los Angeles Lakers, pinahiya ang Oklahoma City Thunder, 108-104

NBA – Nagtulung-tulong sina Brook Lopez, Julius Randle at Jordan Clarkson para buhatin ang Los Angeles Lakers sa sorpresang panalo kontra Oklahoma City Thunder, 108-104 sa NBA.

Umiskor ang tatlo ng double figures para mabalewala ang 36-point performance at nine assists ni Russell Westbrook para sa Thunder.

May team high 20 points si Lopez habang may 19 points naman si Randle. Ang Fil-Am naman na si Clarkson ay tumipa ng 18 points off the bench para sa Lakers na muntik pang masilat matapos tapyasin ng Thunder ang kanilang 10 point lead sa pagtatapos ng laro.


Ito ang ikaapat na sunod na talo ng Thunder habang umangat sa 21-31 win loss slate ang Los Angeles.

Facebook Comments