NBA | Lou Williams, umiskor ng career-high laban sa Warriors

NBA – Umiskor si Lou Williams ng career-high 50 points para masapawan ng Los Angeles Clippers ang defending champion Golden State Warriors, 125-106 sa Oracle Arena.

Para kay Williams, tila kasing laki ng batya ang mga ring sa home court ng Warriors dahil hindi siya napigilan ng depensa ng Warriors.

Dahil sa panalo, sinira ng Clippers ang career milestone ni Kevin Durant.


Si Durant kasi ang ikalawang pinakabatang player sa kasaysayan ng NBA na nakaiskor ng 20,000 points sa liga.

Nagawa ni Durant ang milestone bago matapos ang first half kontra sa Clippers.

Facebook Comments