NBA, magkakaroon ng 22-team return sa pagbabalik ng mga laro nito

43

Nakatakdang aprubahan ng NBA Board of Governors ang 22-team return ng liga sa Orlando.

Ayon sa ulat, binubuo ng Toronto Raptors, Milwaukee Bucks, Boston Celtics, Miami Heat, Indiana Pacers, Philadelphia 76ers, Orlando Magic at Brooklyn Nets ang Eastern Conference play off.


Habang sa Western Conference naman ay binubuo ng Los Angeles Lakers, Los Angeles Clippers, Denver Nuggets, Utah Jazz, Oklahoma City Thunder, Houston Rockets, Dallas Mavericks at Memphis Grizzles.

Nabatid na kada team ay mayroong walong regular season games bago umabot sa playoffs.

Inaasahang magsisimula ang pagbabalik ng NBA sa July 31 at ang game 7 ng finals ay ganapin naman sa Oktubre 12, 2020.

Facebook Comments