Matapos ang 16 na NBA season, pinag-iisipan na raw magretiro ni San Antonio Spurs Guard Manu Ginobili.
Kaugnay nito, balak ni Ginobili na makipagpulong kay Gregg Popovich, pero sa ngayon ay wala pa raw siyang pinal na desisyon.
May isang taon pa kasi siyang kontrata sa Spurs na nagkakahalaga ng 2.5-million dollars.
Si Ginobili ang isa sa itinuturing na pinakamatandang active player sa NBA at isa sa mga most decorated international players sa kasaysayan ng basketball matapos na maging two-time NBA All-Star at Olympic Gold Medalist para sa Argentina.
Facebook Comments