NBA | Memphis Grizzlies Guard wagi kontra Los Angeles Lakers 109-99

NBA – Umiskor si Memphis Grizzlies Guard Tyreke Evans ng 32 points para ipalasap sa Los Angeles Lakers ang kanilang ika-apat na magkakasunod na talo.

Dinagdagan pa ito ng 20 points ni Jarell Martin para tapusin ang laban sa iskor na 109-99.

Si Brandon Ingram naman ay kumamada ng 23 points para sa koponan ng Los Angeles.


Tabla pa ang score bago pumasok sa 4th quarter ng laban pero ginawang sandata ng Grizzlies ang 13-3 run para ma-control ang laro.

Facebook Comments