NBA | Mga kasali sa three-point shootout sa NBA All Star Weekend, kasado na

NBA – Ipagtatanggol ni Eric Gordon ang kaniyang korona bilang three-point king kontra sa mga tigasing shooter ng NBA.

Makakalaban ni Gordon sina Klay Thompson ng Golden State Warriors, Tobias Harris ng LA Clippers, Wayne Ellington ng Miami Heat, Devon Booker ng Phoenix Suns, Kyle Lowry ng Toronto Raptors, Paul George ng OKC Thunder at Bradley Beal ng Washintong Wizards.

Sa slam dunk naman…


Magpapasiklab sina Aaron Gordon ng Orlando Magic, Dennis Smith Jr ng Dallas Mavericks, Victor Oladipo ng Indiana Pacers at Larry Nance Jr. ng Los Angeles Lakers.

Gaganapin ang NBA All Star Weekend sa February 17 at 18 sa Los Angeles.

Facebook Comments