NBA | Mutiny’ namumuo sa Chicago Bulls

Lumalala ang sitwasyon sa Chicago Bulls.

Matapos kasing malasap ng koponan ang 133-77 na kahihiyan mula sa Boston Celtics, ang head coach naman ngayon ang problema ng koponan.

Pormal na nagreklamo ang mga player sa NBA Players Association dahil umano sa mga hindi makatarungan patakaran ng bago nilang head coach.


Matapos italaga na kapalit ng sinibak na si Fred Hoiberg, naging maging mahigpit si Jim Boylen sa pagpapatupad nito ng mga team practice na may kasamang dagdag na takbo at military style pushups.

Dahil dito muntik nang magkaroon ng mutiny ang mga player pero minabuti na lamang nila na pormal na magreklamo sa players’ union.

Naiulat din na nagplano ang mga player na i-boycott na lamang ang mga team practice.

Dahil dito nagpatawag ng meeting ang management pero hindi pa malinaw kung ano ang magiging epekto nito sa morale ng koponan.

Facebook Comments