NBA | NBA career ni Vince Carter hindi pa tapos!

Maglalaro pa ng isang season sa National Basketball Association si Half-Man Half-Amazing Vince Carter.

Nagkasundo ang 41-anyos na dating Slam Dunk champion at 8-time All-Star at ang Atlanta Hawks para sa isang taong kontrata na nagkakahalaga ng veteran minimum pay na $2.4M o mahigit P124M.

Nais kasi ng Atlanta Hawks na nasa locker room nila si Carter na magsisilbing mentor sa mga bata nilang player gaya nina Trae Young at John Collins.


Ganito rin kasi ang ginawa ni Carter noong nakaraang season sa Sacramento Kings.

Pero bukod sa pagiging lider at gabay sa mga papasikat na player, may ibubuga pa naman si Carter.

Sa katunayan may average itong 5.4 points sa 40.3 percent shooting mula sa field at 34.5 percent shooting sa three-point area sa 17.7 minuto kada laro noong nakaraang season.

Facebook Comments