NBA | Nine-game losing streak ng Los Angeles Lakers, natapos din!

Sports – Tinalo ng Los Angeles Lakers ang Atlanta Hawks, 132-111 para wakasan ang kanilang nine-game losing streak sa NBA.

Umiskor ng 20 points si Brandon Ingram habang nagdagdag naman si Lonzo Ball ng trese puntos, sampung rebounds at anim na assist para manalo ang Lakers sa labanan ng mga kulelat na koponan sa liga.

Dahil sa panalo, umangat ang Lakers sa 12 wins 27 losses habang lumagapak sa league worst 10-29 naman ang Atlanta.


Facebook Comments