NBA | Numero ni Paul Pierce “retirado” na sa Boston Celtics

NBA – Pormal na niretiro na ng Boston Celtics ang numero ni Paul Pierce.

Sa isang seremonya kanina sa T-D Garden, iniangat sa rafter ng homecourt ng Celtics ang number 34 na siyang numero ni Pierce noong siya ay naglaro sa Boston.

Naglaro ng labing-siyam na season si Pierce sa NBA. Isa siya sa tinaguriang big three ng Boston na kung saan nakuha nila kampeonato sa liga noong 2008.


Sa pagreretiro sa kaniyang numero nangangahulugan ito na wala nang iba pang player ang puwedeng gumamit sa sa number 34 sa Celtics.

Bukod kay Pierce, retirado na rin ang numero nina Larry Bird, Dennis Johnson, Kevin McHale, Reggie Lewis, Robert Parish at Cedric Maxwell.
<#m_-8822653984439567066_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments