NBA | Official list ng Golden State Warriors, inilabas na

Inilabas na ng NBA defending champion na Golden State Warriors ang opisyal na listahan ng mga manlalaro para sa susunod na season.

Aabot sa 18 manlalaro ang kasama sa listahan ng warriors kung saan 13 dito ang tiyak na makakapaglaro, apat naman ang wala pang kontrata at dalawa ang kasalukuyang inaayos na ang kontrata sa koponan.

Kabilang sa listahan sina Jordan Bell, Quinn Cook, Demarcus Cousins, Stephen Curry, Kevin Durant, Klay Thompson, Jacob Evans III, Draymond Green, Andrei Iguodala, Jonas Jerebko, Damian Jones, Shaun Livingston at Kevon Looney.


Ilan sa mga nakabinbin pa ang kontrata ay Sin Damion Lee, Marcus Derrickson, Danuel House Jr, Alfonzo Mckinnie at Kendrick Nunn.

Sa susunod na season, target ng warriors ang tatlong sunod na kampeonato.

Sa kasaysayan kasi ng NBA tanging tatlong koponan lamang ang nakakuha ng tatlong sunod na kampeonato ito ay ang Boston Celtics, Los Angeles Lakers at Chicago Bulls.

Facebook Comments