NBA | Oklahoma City Thunder, panalo kontra Utah Jazz; 107-99

Oklahoma City – Hindi pinaporma ng Oklahoma City Thunder ang Utah Jazz sa game 5 ng kanilang serye sa NBA playoffs.

Nanalo ang Thunder sa score na 107-99 kung saan bumida sa Oklahoma si Russell Westbrook na may 45-points.

Dahil dito, naiwasan ng Thunder na mapatalsik sa playoffs pero angat pa din sa serye ang Jazz sa 3-2.
Muling maghaharap ang dalawang koponan sa game 6 sa darating na Sabado sa homecourt naman ng Jazz sa Salt Lake City.


Facebook Comments