NBA | Oklahoma City Thunder, wagi kontra Atlanta Hawks; 119-107

21

Amerika – Tinalo ng Oklahoma City Thunder ang Atlanta Hawks sa kanilang naging laban sa NBA. Nanalo ang OKC sa score na 119-107 kung saan kumamada si Russell Westbrook ng 32-points, 12-rebounds at 12-assists. Dahil dito, si Westbrook ang ikaapat na NBA player sa kasaysayan na nakapagtala ng 100th career triple-double, na kinabibilangan nina Oscar Robertson (181 triple-doubles), Magic Johnson (138) at Jason Kidd (107). Hawak ngayon ng Thunder ang pang-apat na pwesto sa team standing ng Western Conference na may 41 na panalo at 29 na talo. www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments