NBA | Oklahoma City Thunder, wagi kontra Lakers

Sports – Kumamada si Russell Westbrook ng 20 points at 12 rebounds para ibigay ng Oklahoma City Thunder sa Los Angeles Lakers ang kanilang ika-walong magkakasunod na talo sa score na 133-96.

Nagtala rin ang Rookie ng OKC na si Terrance Ferguson ng 24 points para sa kaniyang unang laro sa liga.

Ginamit ng Thunder ang kanilang magandang depensa para limitahan sa 41.3 percent ang shooting ng Lakers.


Samantala, isinalpak naman ni Stephen Curry ang game-winning triple para maungusan ng Golden State Warriors, ang Dallas Mavericks, 125-122.

Facebook Comments