NBA | Oklahoma City Thunder, wagi kontra Toronto Raptors; 132-125

Amerika – Tinapos ng Oklahoma City Thunder ang 11-game winning streak ng
Toronto Raptors nang kanila itong talunin sa score na 132-125.

Nanguna sa panalo ng OKC si Russel Westbrook na may 37-points, 13-rebounds
at 14-assists.

Ito na ang ika-anim na sunod na panalo ng Thunder kung saan pang-apat sila
ngayon sa team standings ng Western Conference na may 43-29 win/loss record.


Samantala, plano naman maghain ng protesta ng Raptors dahil sa mga maling
tawag ng mga referee sa huling segundo ng laro at ang mga judgement call ng
mga ito sa pagkaka-thrown-out kina Demar De Rozan, Serge Ibaka at Ang Coach
nila na si Dwayne Casey.

Facebook Comments