NBA | Orlando Magic ginulat ang San Antonio Spurs, 117-110

25

Sinorpresa ng Orlando Magic ang San Antonio sa mismong teritoryo ng Spurs para maitala ang 117-110 na panalo sa NBA.

Sumandal ang Magic sa inspiradong laro ni Aaron Gordon para makabangon sila sa kanilang talo sa huli nilang laro.

Umiskor ng 26 points si Gordon at may 8 rebounds para pangunahan ang lima pang mga teammate nito na nag-ambag ng double figure para sa road win ng Orlando.

May 25 points, 6 rebounds at 5 assists naman si DeMar DeRozan habang may 16 points si Patty Mills para sa Spurs.

Facebook Comments