NBA | Orlando Magic, tinambakan ang Los Angeles Lakers, 127-105

NBA – Pinakain ng alikabok ng Orlando Magic ang walang kade-kadepensang Los Angeles Lakers, 127-95 sa kanilang laban kanina sa NBA.

Mula sa pitong puntos na abante, 58-51, pagkatapos ng first quarter, rumatsada ang Magic sa third period para itayo ang 20 point lead patungo sa pay-off period.

Dahil sa butas na depensa ng Lakers, maging ang head coach na si Luke Walton ay umaming tila walang binantayan ang kaniyang mga player.


Umiskor ng game high 21 points si Marresse Speights para sa Magic habang may tig-20 points naman sina Jordan Clarkson at Julius Randle para sa Lakers.

Facebook Comments