Amerika – Pinagmulta ng NBA ng 15,000 dollars si New Orleans Pelicans coach
Alvin Gentry matapos na makipagtalo sa mga referee.
Nagalit umano si Gentry matapos na matalo ang Pelicans sa laban kontra
Houston Rockets matapos na tawagan ng foul ang point guard niya na si Jrue
Holiday habang tumitira sa 3-pointer si Houston Star James Harden.
Hamon ni Gentry sa lahat, panuorin ulit ang laro at kung sa tingin nila ay
foul talaga ang ginawa ni Holiday saka siya mananahimik.
Hindi pa rin nawawalan ng pag-asang makahabol ang Pelicans na nasa 8th spot
pa rin ng Western Conference.
Samantala, bukod kay Gentry, pinatawan din ng kaparehong multa si Detroit
Pistons coach Stan Van Gundy.
Ito ay matapos din niyang ireklamo ang aniya ay hindi makatwirang pagtawag
ng sunud-sunod na foul kay Piston Star Blake Griffin sa nakaraang laban
kontra Portland Trail Blazers.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>