NBA | Philadelphia 76ers buhay pa kontra Boston Celtics

Philadelphia – Nanalo rin sa wakas ang Philadelphia 76er’s kontra sa Boston Celtics sa kanilang seryes sa Eastern Conference semifinals ng NBA.

Nakahirit ng 103-92 na panalo ang Philadelphia para mapuwersa ang Game 5 at putulin ang pamamayagpag ng Boston sa Round 2 ng playoffs.

Umiskor ng 25 points si Dario Saric (SA-RICH) habang may tig 19 markers sina TJ Mc Connel at Ben Simmons para sa Sixers.


May team high na 20 points naman si Jayson Tatum para sa Celtics na lamang pa rin sa serye, 3-1.

Gaganapin ang Game 5 sa teritoryo ng Boston.

Facebook Comments