NBA – Inaasahan ngayon ng Phoenix Suns na mananatili sa kanila ang pointguard na si Devin Booker.
Ito ay matapos na alukin nila ng limang taon maximum contract si Booker na may katumbas na halagang $158 million.
Sinasabing puspusan na ang pagsasapinal ng kontrata para maihabol sa moratorium bago matapos ang linggo.
Ang 21-anyos na si Booker, ang isa sa dahilan kung bakit muling umangat ang Suns nitong nakalipas na season kaya naman umaasa sila na makakabalik muli sa NBA playoffs.
Facebook Comments