NBA, pinalawig ang Coronavirus testing matapos magpositibo ang 16 na manlalaro

Inatasan ng National Basketball Association (NBA) ang 28 koponan na magpatupad ng dagdag na COVID-19 tests matapos na magpositibo ang 16 na manlalaro.

Hiniling din ng liga sa mga teams na humanap ng local testing centers kung saan gaganapin ang mga laro sa loob ng dalawang araw.

Dapat din ang local provider ay mayroong Polymerase Chain Reaction (PCR) tests na kayang makapag-test ng 40 mga players, staff at referees at makapagbigay ng results, isang oras bago ang laro.


Batay sa umiiral na patakaran ng NBA, dapat ang isang player ay negatibo sa PCR test isang araw bago ang laro at negative rin sa rapid test sa umaga ng araw ng laro.

Nabatid na siyam na laro na ang kinansela ng NBA matapos i-quarantine ang ilang mga players.

Facebook Comments