NBA, pinayagan na ang karagdagang dalawang manlalaro bawat koponan sa pagbabalik-laro nito sa July 31

Papayagan na ng National Basketball Association (NBA) ang labing-pitong (17) manlalaro kada koponan para sa nakatakdang pagbabalik-laro nito sa July 30, 2020.

Ayon sa ulat, imbes na labinlima (15) magkakaroon pa ng dalawang manlalaro para sa two-way deals.

Tatlumpung (30) koponan ang nakatakdang maglaban-laban sa pagbabalik-season na gaganapin sa Walt Disney World Resort sa Orlando, Florida.


Unang sinuspinde ang laro ng NBA nitong March 31, 2020 dahil sa COVID-19.

Facebook Comments