NBA players at fans, nagulat sa Kawhi Leonard-Paul George tandem sa LA Clippers

149
Image via USA Today/FTW

Nitong Sabado, halos magulantang ang maraming NBA players at fans sa lumabas na balitang ‘ober da bakod’ nina NBA 2018 Finals MVP Kawhi Leonard at Oklahoma City Thunders small forward Paul George sa koponan ng LA Clippers.

Naganap ang hindi inaasahang trade matapos umanong mapapayag ni Leonard si George maglaro sa Clippers dahil marami silang pagkakapareho.


Samu’t-saring reaksyon ang ipinahayag ng publiko kaugnay sa sanib puwersa ng dalawang manlalaro.

Sabi ni NBA Legend Magic Johnson, magiging kapana-panabik ang laban ng mga koponan mula Los Angeles ngayong season.

Tila hindi makapaniwala si Cleveland Cavaliers Center Kevin Love sa power move ng Clippers.

Biro ni Utah Jazz Point Guard Donovan Mitchell, nayanig ang mundo sa balita ng NBA Insider.

Ayon sa The Hoop Central, dapat abangan ang tambalang Leonard-George

“July is for change” naman ang sigaw ng Clippers Nation.

Pakiramdam ng Clutch Points, muling magbabalik ang “Super Duo” era sa NBA.

Hiling ni Broccoli Rob, isang throwback jersey with cursive writing para kay Leonard at George.

Patama ni Zach Scrader, hindi uso ang salitang loyalty sa NBA.

Facebook Comments

From Advertisers