NBA players, hiniling ang insurance protection sa pagbabalik-laro nito sa July 30

Humiling ng insurance protection ang ilang manlalaro ng National Basketball Association (NBA) para sa nakatakdang pagbabalik-laro nito sa July 30, 2020.

Ayon sa mga manlalaro, isa itong paraan para mabigyan sila ng proteksyon laban sa mga career-threatening injuries.

Karaniwang humihiling ng insurance ang mga manlalaro na na-draft noong 2017 na eligible para sa rookie extensions sa susunod na season.


Sa ngayon, nakipagpulong na sina Los Angeles Lakers player Kyle Kuzma, Donovan Mitchell ng Utah Jazz, Boston Celtics Jayson Tatum at Miami Heat Bam Adebayo sa NBA Players Association kaugnay ng nasabing hiling.

Facebook Comments