NBA PLAYOFFS | Boston at Toronto lamang ng 2-0 sa Eastern Conference

NBA – Lamang na ng tig-dalawang panalo ang Toronto Raptors at Boston Celtics sa kanilang mga kalaban sa first round ng eastern conference playoffs ng NBA.

Umiskor ng franchise record na 44 points ang Toronto sa first quarter pa lang para tambakan ang Washington Wizards, 130-119 kanina para sa 2-0 abante sa kanilang best of seven series.

Hindi rin nagpahuli ang Boston Celtics matapos nilang pakainin ng alikabok ang Milwaukee Bucks sa score na 120-106 para umangat din sa 2-0 na abante sa serye.


Facebook Comments