NBA | Raptors, Bucks at Knicks panalo sa kanilang opening game

Sinimulan ni Kawhi Leonard sa panalo ang unang laro niya sa bagong niyang koponan.

Umiskor ng 24 points ang dating Finals MVP ng San Antonio Spurs para tulungan ang Toronto Raptors sa 116-104 na panalo kontra sa Cleveland Cavaliers.

Panalo rin ang New York Knicks laban sa Atlanta Hawks, 126-107 sa likod ng hot shooting ni Tim Hardaway Jr.


May game high na 31 points si Hardaway habang may 16 naman si Enes Kanter para sa panalo ng Knicks.

Nagmintis naman sa kanilang mga tira sa dying seconds sina Nicolas Batum at Kemba Walker para maitakas ng Milwaukee Bucks ang 113-112 na paninilat sa Charlotte Hornets.

Tinapos ni Giannis Antetekounmpo ang laro na may 25 points at 18 rebounds para sa Bucks.

Nasayang naman ang game high 41 points ni Kemba Walker para sa Hornets.

Facebook Comments