NBA | Record breaking ni Lebron James, sinira ng San Antonio Spurs

NBA – Sinira ng San Antonio Spurs ang record breaking na gabi ni Lebron James.

Si James lang naman kasi ang ikapito pero pinakabatang player ng NBA na nakaabot sa 30,000 point club pero nauwi ito sa wala matapos pangunahan ng 30 points ni Lamarcus Aldridge ang San Antonio Spurs sa panalo kontra Cleveland Cavaliers, 114-102 sa AT&T Stadium.

Ito na ang ika-sampung talo ng Cavaliers sa huli nilang labing tatlong laro.


Samantala, ginulat ng Los Angeles Lakers ang Boston Celtics sa dikitang laban nila, 107-108 sa Staples Center.

Kumamada si Kyle Kuzma ng 17 points sa fourth quarter para ipalasap sa Celtics ang kanilang ika-apat na sunod na talo.

Facebook Comments