Manila, Philippines – Pinagmulta ng National Basketball Association (NBA)
sina Houston Rockets Forward Gerald Green at Boston Celtics Marcus Morris.
Nasa 25,000 dollars o katumbas ng P1, 300,000 ang ipinataw na multa kay
Green dahil sa ginawa niyang pagtulak kay Minnesota Timberwolves Center
Gorgui Dieng sa nakaraan nilang laban noong Lunes.
Habang multang 15,000 dollars o P780,000 ang ipinataw kay Morris matapos
siyang tawagan ng technical foul sa laban kontra New Orleans Pelicans.
Nabatid na nainis si Morris sa isang opisyal at napagsalitaan ito ng masama.
Facebook Comments