NBA | Sacramento Kings, tinambakan ng Milwaukee Bucks

NBA – Wagi ang Milwaukee Bucks matapos na tambakan ang Sacramento Kings sa iskor na 112-87.

Nanguna sa panalo si Giannis Antetounmpo na nakagawa ng 32 points at Erci Bledsoe na may 21 points.

Sunod na makakaharap ng Bucks ang Portland Trail Blazers sa Biyernes habang sa Sabado naman ang bakbakang Sacramento at Chicago Bulls.


Samantala, bitbit ang 3-16 win loss record, kulelat pa rin sa eastern conference ang Chicago matapos na muling makatikim ng talo laban sa Phoenix Suns.

Facebook Comments