NBA | San Antonio Spurs Coach Gregg Popovich, inaabangan pa din ang pagbabalik ng kaniyang player na si Kawhi Leonard

Amerika – Patuloy na umaasa ngayon ang San Antonio Spurs na makakabalik na ang star player nilang si Kawhi Leonard para makabawi sila sa dalawang sunod na pagkatalo kontra Golden State Warriors sa NBA playoffs.

Ayon kay Spurs Coach Gregg Popovich, wala pa din silang ideya kung kailan babalik si Leonard na kasalukuyang nasa New York City kung saan sumasailalim ito sa rehab dahil sa injury nito sa kanang hita.

Bagamat may go signal para maglaro, mas pinili pa daw ni Leonard na magtungo sa nasabing syudad kaya at hinala ni Popovich na baka ayaw nang maglaro ng kaniyang player sa kanilang koponan.


Magkaganon pa man, wala pa din daw plano ang management ng Spurs na i-trade ito lalo na at may natitira pa siyang isang taong kontrata sa San Antonio.

Facebook Comments