NBA | San Antonio Spurs, tinalo ang Golden State Warriors

NBA – Hindi pinaporma ng San Antonio Spurs ang defending champion Golden
State Warriors sa naging laban nila kahapon sa NBA.

Tinalo ng Spurs ang warriors sa score na 89-75 kung saan kumamada ng
33-points at 12-rebounds si Lamrcus Aldridge.

Sinamantala ng San Antonio ang pagkawala nina stephen Curry, Kevin Durant
at Klay Thompson dahil sa kani-kanilang mga injury habang inilbas naman ng
playing court si Draymond Green sa second quarter ng laban dahil sa nakuha
nitong pasa sa kanyang pelvic area.


Sa ngayon, nasa ikalimang pwesto ng team standings ang Spurs na may 41 na
panalo at 30 na talo.

<#m_-1020300528896152206_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments