Amerika – Hindi kinaya ng Golden State Warriors na ma-sweep nila ang San Antonio Spurs sa kanilang serye sa NBA playoffs.
Tinalo ng Spurs ang Warriors sa game 4 kung saan bumida sa panalo si Lamarcus Aldridge na may 22-points at 10-rebounds.
Dahil sa panalo, 3-1 na ang serye pabor pa rin sa Golden State.
Samantala, naitabla naman ng Milwaukee Bucks ang serye sa 2-2 kontra Boston Celtics matapos silang manalo sa game 4 sa score na 104-102.
Facebook Comments