NBA | Sixers, Blazers panalo; Fox nagtala ng record!

Manila, Philippines – Sumandal ang Philadelphia 76ers at ang Portland Trailblazers sa kanilang mga star player para maitala ang mga impresibong panalo sa NBA.

Sa Philadelphia, humakot ng 41 points si Joel Embiid para buhatin ang 76ers sa 122-113 panalo kontra sa bumibisitang Los Angeles Clippers.

Bumida naman si Damian Lillard para umangat ang Portland, 132-119 laban sa New Orleans Pelicans.


Nagtala si Lillard ng 26 points, 6 assists at 7 rebounds habang may 20 markers naman si Jusuf Nurkic para sa Portland.

Si De’Aaron Fox naman ang pinakabatang player sa kasaysayan ng liga na nakapagtala ng at least 30+ points, 15 assists at 10 rebounds sa isang laro.

Sa edad na 20 anyos nagawa ito ng pointguard sa kaniyang 31 points, 15 assists at 10 rebounds para dalhin ang Sacramento Kings sa 146-115 panalo kontra Atlanta Hawks.

Binura ni Fox ang mga record nina Magic Johnson at Michael Jordan na ginawa nila nung 21-anyos ang dalawang alamat basketball.

Facebook Comments