NBA | Spurs Coach Gregg Popovich, ipinaubaya na sa kaniyang star player na si Kawhi Leonard kung lalaro ito o pahinga muna

NBA – Hindi pa rin sigurado si San Antonio Spurs Coach Gregg Popovich kung kailan makakalaro ang isa sa mga star player niya na si Kawhi Leonard.

Nabatid kasi na kasalukuyang nasa New York si Leonard para kumonsulta sa ilang medical experts para tuluyang gumaling ang kaniyang injury sa kanang quadriceps.

Aminado si Popovich na hindi niya kontrol ang desisyon ni Leonard kung lalaro ito o hindi lalo na’t nalalapit na ang playoffs sa NBA.


Matatandaan na pinayagan na ng medical staff ng Spurs ang dating Most Valuable Player na makalaro pero iginiit ng kampo nito na kailangan pa daw niyang magpahinga para tuluyang makarekober.

Facebook Comments