NBA | Stephen Curry pahinga pa ng karagdagang 10 araw

Hindi muna makakapaglaro sa susunod na sampung araw ang two-time league MVP na si Stephen Curry.

Ayon sa Golden State Warriors, pagkatapos pa ng sampung araw kasi bago muling titingnan ng mga doktor kung ano na ang kalagayan ng hamstring ni Curry.

Sabi naman ni head coach Steve Kerr kailangan nilang maging maingat sa kalagayan ni Curry dahil bago ang injury nito.


Matatandaan na natamo nito ang injury sa laro nila laban sa Los Angeles Clippers noong nakaraang linggo.

Dahil dito hindi pa makakasama sa line-up si Curry sa apat na laro ng Warriors pero sasama ito sa road trip ng koponan sa Houston Rockets, Dallas Mavericks at San Antonio Spurs.

Hindi na nakapaglaro ng tatlong laro si Curry mula nang matamo nito ang hamstring injury.

Facebook Comments