NBA | Stephen Curry, pinakasikat na player sa NBA pagdating sa dami ng bumibili ng kaniyang jersey

NBA – Patuloy pa rin ang pamamayagpag ni Stephen Curry kung pag-uusapan ang benta ng kaniyang jersey.

Sa ikatlong sunod kasing taon, nangunguna ang two-time NBA champion at MVP sa jersey sales batay sa listahan na inilabas ng NBA Store.

Pumapangalawa naman si Cleveland Cavaliers’ heart and soul LeBron James at pangatlo naman ang teammate ni Curry na si Kevin Durant.


Nasa pang apat si Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks at pang-lima si Kristaps Porzingis ng New York Knicks.

Nasa top 10 din sina Joel Embiid ng Philadelphia; Russell Westbrook ng Oklahoma City; Ben Simmons ng Sixers; Kawhi Leonard ng San Antonio at James Harden ng Houston.

Facebook Comments