NBA Superstar James Harden, balik Pinas sa Hunyo 26

62
Image via NBA.com

Muling babalik ng Pilipinas ang NBA superstar na si James Harden sa darating na Hunyo 26.

Kinumpirma ito mismo ng Adidas kung saan official endorser ang Houston Rockets star player.


Makikita ng mga Pinoy fans si Harden sa #FreeToHarden Freestyle Hub na magaganap sa SM Mall of Asia (MOA) SMX Convention Center.

Itatampok din ng reigning MVP ang kanyang bagong signature shoe na Harden Vol. 3. 7,500 pesos ang presyo ng sapatos at mabibili sa mga Adidas stores.

Pangatlong beses nang makakarating si Harden sa bansa. Dalawang beses dumalaw ang basketbolista noong 2013.

Dalawang ticket ang makukuha ng mga nais dumalo kapag bumili ng P5000 worth of items sa mga participating stores. Ang promo ay mula Hunyo 16 hanggang 25.

Para sa katanungan o karagdagang impormasyon, bumisita sa official Facebook page ng Adidas.

Facebook Comments

From Advertisers