NBA superstar Lebron James – magsisimula na ng training ngayong Linggo

NBA – Ilang buwan bago ang pagbubukas ng bagong NBA season, sisimulan na ni Cleveland Cavaliers superstar Lebron James ang kanyang training sa Las Vegas ngayong Linggo.

Katunayan, inimbitahan pa nito sa kanyang training ang bago niyang teammate na si Derrick Rose.

Una nang nakuha ng Cavs si Rose mula sa Chicago Bulls.


Tiwala ang pamunuan ng Cavs na malaking tulong ang pagsasanib-pwersa ng dalawang dating NBA MVP sa kampanya ng koponan na makuhang muli ang kampeonato.

Facebook Comments