NBA | Thunders, tinapos ang kanilang three game losing streak sa panalo kontra Pelicans

NBA – Tinapos na rin ng Oklahoma City Thunder ang kanilang tatlong sunod-sunod na pagkatalo matapos na manalo kontra New Orleans Pelicans.

Tinalo ng Thunder ang Pelicans sa score na 109-104 kung saan nanguna sa panalo si Russell Westbrook na may 26-points, 15-rebounds at 13-assists.

Dahil sa panalo, nasa ikalimang pwesto ngayon sa team standings sa western conference ang Oklahoma na may 45-33 win/loss record.


Kasalukuyan naman nasa ika-walong pwesto ang New Orleans 43-34 win/loss record at kailangan nilang maipanalo ang mga susunod na laban para maka-abanse sa playoffs.

Facebook Comments