NBA | Timberwolves, pinahiya ang Spurs

Nilimitahan sa nine points ng Minnesota Timberwolves ang San Antonio sa second quarter para maitala ang 128-89 na panalo laban sa Spurs sa NBA.

Ito ang isa sa mga pinakatambak na pagkatalo sa coaching career ni San Antonio coach Gregg Popovich.

May game high 21 points si Robert Covington para pangunahan ang T-Wolves.


Si Jakob Poeltl naman ang top scorer sa Spurs sa kaniyang 16 points.

Sa ibang laro, Tinambakan din ng Dallas Mavericks ang Houston Rockets, 128-108.

Wagi rin ang Milwaukee Bucks sa Chicago Bulls, 116-113 at

Winalis ng Los Angeles Clippers ang Phoenix Suns, 115-99.

Facebook Comments