NBA | Tobias Harris tinanggihan ang $80M alok na contract extension ng Los Angeles Clippers

NBA – Magiging free agent sa susunod na season si forward Tobias Harris.

Ito ay matapos tanggihan ng player ang alok na $80M o mahigit P4-B ng Los Angeles Clippers para palawigin pa ang kontrata nito sa koponan.

Ayon sa mga report mas malaki kasi ang makukuhang kontrata ni Harris kung hihintayin na lamang niya na maging free-agent.


Kung sa susunod na season pa kasi pipirma si Harris maaari siyang humingi ng $188M sa loob ng limang taon sa Clippers at 145.5M naman sa loob ng apat na taon sa ibang koponan.

May career best 19.3 points, 6 rebounds, 3.1 assists at 1.2 steals average per game si Harris para sa Clippers noong nakaraang season.

Facebook Comments