NBA | Tony Parker, inaming nais niyang matapos ang career sa Spurs

NBA – Inamin ngayon ng NBA player na si Tony Parker na nais niyang matapos ang kaniyang career sa paglalaro sa San Antonio Spurs.

Matatandaan na halos 18 years naglaro si Parker sa Spurs bago ito nalipat sa Charlotte Hornets kung saan pumirma ito ng two-year deal na kontrata.

Sa naging interview kay Parker, hangad niya na mag-retire at huling maglaro sa Spurs at alam niya na hindi daw ito imposible lalo na at dito siya nagsimula.


Kahit pa nasa ibang koponan na, nasa puso pa din daw niya ang pagiging Spurs at hangad niya na sa darating na panahon ay dito siya huling maglaro.

Facebook Comments