Sinibak na ng Cleveland Cavaliers ang coach na unang nagbigay ng titulo sa franchise.
Pagkatapos kasi malasap ng Cavaliers ang kanilang ikaanim na sunod na talo sa season, inanunsiyo ni General Manager Koby Altman ang pagtapos sa serbisyo ni Lue.
Bukod sa pagbibigay ng unang championship sa franchise nang bumangon sa 1-3 deficit ang Cavaliers noong 2016, nagawa rin ni Lue sa tulong ni LeBron James na madala sa NBA ang Cleveland sa huling apat na season.
Pero sa pagkawala ni James at kawalan na rin ng mga bagong mukha sa team, hirap ang Cavaliers na makasabay sa ibang mga koponan sa team.
Hanggang sa ngayon ay wala pang naipapalit sa puwesto ni Lue bagaman at matunog na si Assistant Coach Larry Drew muna ang pansamantalang hahawak sa koponan.
Humihirit kasi si Drew ng commitment sa management ng mas mahabang kontrata.