NBA | Utah Jazz pinahiya ang Warriors, 129–99

NBA – Ipinalasap ng Utah ang pinakamasaklap na pagkatalo ng Golden State ngayong season matapos tambakan ng Jazz ang Warriors, 129-99 sa NBA.

Hindi nakaporma ang warriors sa magandang laro ng Jazz. Mula sa 35-30 na score pagkatapos ng first quarter, umarangkada ang opensa ng Jazz para iwanan ang Warriors.

May team high 23 points si Ricky Rubio habang nag-ambag naman ng 20 si Joe Ingles para sa Jazz.


Umiskor ng 27 points si Klay Thompson para pangunahan ang Warriors.

Facebook Comments