NBA | Utah Jazz, wagi kontra Cleveland Cavaliers

NBA – Wagi ang Utah Jazz kontra sa Cleveland Cavaliers sa score na 104-101 sa mismong araw ng birthday ng 3 time MVP player na si Lebron James nitong Sabado, Linggo naman araw sa Pilipinas.

Pumuntos para sa Jazz ang kanilang shooting guard na si Donovan Mitchell na nagtala ng 29 points habang ang point guard naman nilang si Ricky Rubio ay pumuntos ng 6 points, 10 rebounds at eight assists.

Ito na ang ikatlong sunod na talo na ng Cavaliers kaya naman ayon sa kanilang koponan, dapat na makabawi na sila sa mga susunod pa nilang laban.
Sa kabila ng pagkatalo, masaya pa ring ipinagdiwang ni LeBron ang kanyang 33 rd birthday kasama ang pamilya at mga kaibigan.


Facebook Comments