NBA | Utah Jazz, wagi kontra Golden State Warriors; 110-91

40

Amerika – Tinambakan ng Utah Jazz ang Golden State Warriors sa kanilang naging laban kahapon sa NBA.

Tinalo ng Jazz ang Warriors sa score na 110-91 kung saan nanguna sa panalo sa Utah si Donovan Mitchel na may 21-points habang nag-ambag naman si Rudy Gobert ng 17-points at 15-rebounds.

Sinamantala ng Utah ang pagkawala ng mga star players ng Warriors kung saan sa simula pa lamang ng laro ay hindi na nila pinaporma ang mga second stringer nito.

Ito naman na ang ikalawang beses na naglaro ang Golden State na wala ang kanilang apat na all-stars na sina Stephen Curry, Kevin Durant, Draymond Green at Klay Thompson.

Facebook Comments