NBA | Victor Oladipo, pinadapa ang Milwaukee Bucks

NBA – Umiskor ng 21 points si Victor Oladipo para padapain ng Indiana Pacers ang Milwaukee Bucks, 103-93.

Nag-ambag si Lance Stephenson ng 16 points habang may 14 points naman si Bogdanovic para sa Pacers.

Si Khris Middleton naman ay nagtala ng 30 points para sa Bucks na nalasap na ang kanilang ika-apat na magkakasunod na talo.


Samantala, wagi rin ang Denver Nuggets ang Memphis Grizzlies.

Bumida sa laban si Gary Harris na nagtala ng 26 points para sa Nuggets.

Facebook Comments